ANUNSYO | Mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Kampus, halina’t magsaya at makilahok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang pambansa!

Isa sa mga kaganapang inihanda ng SorSU-Bulan Kampus sa nalalapit na “PISTA SA NAYON: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023” ay ang LARO NG LAHI. Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral na ibahagi ang inyong kakayahan bilang indibidwal man o grupo, sa ilang larong minsan nang naging bahagi ng ating pagkabata. Kilalanin at muli nating balikan ang mga larong kabilang sa ating pagkakakilanlan, sapagkat ang mga laro ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral ng SorSU-Bulan.

Ang nasabing bahagi ng pagdiriwang ay isasagawa sa Umaga ng araw ng Martes, ika-29 ng Agosto, taong kasalukuyan. Para sa iba pang mga detalye, marapating bigyang oras na tingnan ang mga larawan sa ibaba, kalakip ang mga impormasyon tungkol sa mga larong maaari niyong salihan.

Muli, bukas ito sa lahat ng SorSU-Bulanenos. Makisigaw, makisaya, at makilahok na!

| via Claris Dizon

Pubmat: Christo Junior Geronga

( The Freethinker, the Official Student publication of SorSU-Bulan Campus)

LUKSONG LUBID

Oras na upang ibunyag ang tunay mong anyo, huwag magpasindak at ipalasap ang iyong bagsik sa paglukso.

Sa larong ito ay kailangang magpamalas ng husay at determinasyon ang bawat manlalaro.

Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa sumali na at manalo. Pataubin ang ibang kalahok at mangibabaw sa umaatikabong salpukan sa larangan ng paglukso.

Para sa iba pang detalye, marapatin na basahin ang mga sumusunod:

TAGAPAGDALOY:
Charmaine Janoras
Krishia Lachica

GANTIMPALA:
• Unang Gantimpala : PhP500.00
• Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
• Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

🖊 Roselyn Gonzales
Pubmat: Christo Junior Geronga

AGAWANG BIIK

Maaaring may pagkakataong iisa ang ating sinusubok, ngunit hindi maitatanggi na may pagkakataong isa lang ang pinagbibigyan ng kapalaran.

Pakinggan ang biik na nagsasabing, “maaatim mo bang tingnan ako habang pinag-aagawan? Hahayaan mo lang ba na maagaw ako at tuluyang mawala saiyo?”

Ano pang hinihintay mo, makilahok na, habaan ang iyong pasensya, at ipamalas ang iyong determinasyon. Baka ikaw na ang mag-uuwi ng papremyo sa palarong ito.

Narito ang mga tagapagdaloy ng nasabing palaro at ang gantimpalang maaari mong iuwi:

TAGAPAGDALOY:
Mark Dipad
David John Cayetano

GANTIMPALA:
Biik at Isang Sakong Pakain

🖊 Claris Dizon
Pubmat: Christo Junior Geronga

KADANG SA BAGOL

“Sa kadang sa bagol, walang tayo-tayo at kaibigan. Sabi nga ng kanta, ‘Iwasan mo ang traffic, huwag kang magka-karaoke.’ ha? halaman.”

Hindi ka ba sanay sa pers-mob, ngunit ayaw mong may mauna? Beshy! Sa laro na ‘to, masusukat ang relasyon niyong dalawa, pagka-balanse ng bao, habol ay dulo. Sumabay sa tibok ng oras nang ‘di maligaw. Bilisan ang pagkadang, nang ‘di mapag-iwanan.

Para sa karagdagang detalye, maaaring basahin ang tagapagdaloy at gantimpala na nakalista sa ibaba.

Tagapagdaloy:
Santos N. Gigantoca
Allyboy Melitante

GANTIMPALA:
• Unang Gantimpala : PhP500.00
• Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
• Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

🖊 Sherrelyn Chavez
Pubmat: Christo Junior Geronga

KARETA KARERA

Sa buhay, nariyan palagi ang paunahan. Kung sino ang unang makarating sa isang lugar at kung sino ang unang makagawa ng isang bagay. Mararamdaman mo na lang, nakikipagkarera ka na pala.

Kung gusto mong lagi kang numero uno at nangunguna, puwes, huwag nang magpatumpik-tumpik pa! Panahon na upang subukin at ibunyag ang iyong lakas, bilis, at determinasyon sa larong ito. Lavarn!

Para sa iba pang detalye, mangyaring basahin ang mga sumusunod:

TAGAPAGDALOY:
Gilbert Gile
Marilyn N. Inocentes

GANTIMPALA:
• Unang Gantimpala : PhP500.00
• Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
• Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

🖊 Emmanuel Alexandre Maribbay
Pubmat: Christo Junior Geronga

PUKPOK-PALAYOK

“Minsan kailangan mo talagang mahirapan, bago mo matikman ang sarap ng tagumpay.” Paghirapan at pukpukin ang palayok upang papremyo ay sumabog.

Kung nakakaya mong paghirapang makuha ang taong inaasam-asam mo kahit iba naman ang kanyang gusto, bakit di mo subukan ang larong ito? Halina’t sumali sa pukpok-palayok!

Para sa karagdagang detalye, mangyaring basahin ang nasa ibaba:

Tagapagdaloy:
Aldin D. Labo at Milan E. Bausa

Gantimpala:
Php 500 (3 winners)

🖊 Andria Lyn Grajo
Pubmat: Christo Junior Geronga

KARERA SA SAKO

Ipamalas ang di matatawarang liksi, umarangkada sa rumaragasang karera sa paglundag ng may ngiti.

Kaya’t halina, ipakita mo kung sino ka. Lumundag nang lumundag hanggang sa tagumpay ay matamasa.

Para sa detalye ukol sa mga tagapagdaloy ng laro at nakahandang mga gantimpala, marapatin na basahin ang mga sumusunod:

TAGAPAGDALOY:
Jonel Prado
John Mark Gabrentina

GANTIMPALA:
• Unang Gantimpala : PhP500.00
• Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
• Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

🖊 Roselyn Gonzales

AGAWANG LUBID

Ang grupong pinagtitibay ng pagkakaisa ay hindi malabong magwagi.

Ano pang hinihintay niyo mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Kampus? Bumuo na ng grupo, makilahok sa larong sinusubok ang pagkakaisa at tatag ng samahan, at maging bida-bida este bida.

Para sa iba pang detalye, marapating basahin ang nasa ibaba.

TAGAPAGDALOY:
Christian Paulo De Vera
Richard Rabulan

GANTIMPALA:
• Unang Gantimpala : PhP1,000.00
• Ikalawang Gantimpala : PhP500.00