ANUNSYO | Mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Kampus, inaanyayahang makilahok at makisaya sa Pista sa Nayon kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Sa pakikiisa sa pagdiwang ng Buwan ng Wika na may pamagat na “PISTA SA NAYON: Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023,” isa sa mga kaganapang inihanda ng SorSU-Bulan Kampus ay ang PATIMPALAK AKADEMIKO, na gaganapin sa araw ng Martes (umaga), Agosto 29, taong kasalukuyan.

Sumali at patunayan ang inyong sarili sa larangang ito at ipakita ang inyong galing sa pagpamalas na kayo ay isang henyo at may talentong kamangha-mangha. Nag-aanyaya kami sa inyo na makiisa, at manalo ng mga premyo sa PATIMPALAK! Narito na ang inyong pagkakataon na magningas ang inyong talino at galing!

Basahin sa bawat caption ng post para malaman kung ano-ano ang mga patimpalak, sino ang mga tagapagpadaloy, lugar na gaganapan, oras ng pagganap, at ang mga pamantayan sa pagsali.

πŸ–‹οΈ: Maria Amanda Labini

Pubmat: Christo Geronga

TGISAN NG TALINO

β€œIpamalas ang talino at itampok ang galing,
Sa tagisan ng talino, ika’y magningning.”

Kung nais mong sumali dahil wari mo’y nag grade two ka at hindi lang 2KB ang iyong brain, ano pa ang hinihintay mo? Gulatin mo ang mga walang bilib sayo! Makipagtagisan, magpasiklaban, at magpakitang-gilas sa kakaibang laban ng talino.

Para sa detalye, basahing mabuti ang nakalahad sa ibaba pagka’t nariyan ang pamantayan para sa Tagisan ng Talino.

Tagapagdaloy: Mary Ann E. Dela Cruz at Shalom Guim
Pagdarausan: Computer Center Building Room 1
Oras: Ika-9 ng umaga

PAMANTAYAN

a. Bukas ang tagisan sa lahat ng mga mag-aaral ng SorSU Bulan Campus.

b. Ang isang pangkat ay dapat binubuo ng tatlong (3) mag-aaral.

c. Ang mga tanong sa tagisan ay ukol sa kultura, kasaysayan at panitikan ng Pilipinas.

d. Isusulat ang kanilang mga kasagutan sa itim na placard na ibibigay ng facilitator.

e. May tatlong kategorya ang tagisan ng talino: Easy (madali), Average (katamtaman) at Difficult (mahirap).

f. Sa easy round ay mayroong sampung (10) katanungan na may katumbas na isang (x1) punto bawat tanong. Sa average round ay may pitong (7) katanungan na may katumbas na dalawang puntos (x2). Mayroon namang limang (5) tanong sa difficult round na may katumbas na tatlong puntos (x3) bawat isa. Lahat ng katanungan ay uring papili (multiple choice).

g. Ang mga katanungan ay babasahin ng tagapamahala ng katanungan o Quiz Master.

h. Ang mga katanungan ay babasahin ng dalawang (2) beses at bibigyan ang mga pangkat ng sampung (10) segundo sa easy round upang makapagsulat ng letra ng kanilang sagot sa placard. Bibigyan naman sila ng labinlimang (15) segundo sa average round at tatlumpung (30) segundo sa difficult round.

i. Maaari lamang magsagot ang bawat kalahok kapag narinig na ang salitang β€œsimulan na”.

j. Isang tunog ang maririnig na hudyat upang itaas na ang kanilang mga kasagutan.

k. Ang kabuuang puntos na nakuha ng bawat grupo ay magiging basehan sa pagtukoy ng mga panalo.

l. Kung magkakaroon ng pantay na puntos sa unang tatlong ranggo, magkakaroon ng clincher round na binubuo ng tatlong tanong sa pagitan ng mga grupong may pantay na puntos.

Ang mga mananalo ay makatatanggap ng mga sumusunod na gantimpala, bukod sa sertipiko:
Unang Gantimpala : PhP500.00
Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

πŸ–‹οΈ: Maria Amanda Labini
Pubmat: Christo Geronga

PAGSULAT NG SANAYSAY

Sa bawat titik na isinusulat, binubukas natin ang pintuan ng ating imahinasyon at nagbibigay-daan sa iba na maglakbay sa ating mundo.

May tinig ka bang manunulat? na naglalakbay ang isip, kung saan ang mga salita ay ang mga hakbang na nagdadala sa iyo sa mga kaisipang iyong ninanais. Sumali ka na’t isulat, ‘wag nang mag-atubiling sa papel, mundo mo’y ibahagi’t gawing kwento’t himig.

Para sa karagdagang detalye, maaaring basahin ang nakalista sa ibaba.

Tagapagdaloy/Hurado: Shiela Lasala at Jessa Oscillada
Pagdarausan: Computer Center Building Room 4
Oras: Ika-9 ng umaga

PAMANTAYAN

𝐚. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Campus.

𝐛. Ang mga tagapagdaloy ay magbibigay ng burador at sulatang papel bago magsimula ang paligsahan. Magdadala lamang ng panulat ang mga kalahok.

𝐜. Hindi maaaring magsulat ng pangalan ang mga kalahok sa burador at sa sulatang papel. Tanging bilang lamang nila sa registration form ang magsisilbing pagkakakilanlan sa papel.

𝐝. Ang sanaysay ay dapat binubuo ng hindi bababa sa tatlong talata na may simula, gitna at wakas. Kailangan ring may pamagat ang sanaysay.

𝐞. Ang paksa ng sanaysay ay nakalapat sa tema ng pagdiriwang:
“Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

𝐟. Bibigyan ng isang oras ang mga kalahok upang magsulat ng sanaysay.

𝐠. Ang mga sanaysay ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamantayan:
Diwa, Kaangkupan ng mga Salita, Kalinawan – 50%
Kaisahan at Istilo – 30%
Gramatika at Wastong Baybay – 20%

𝐑. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sertipiko at ng mga sumusunod na gantimpala:
Unang Gantimpala : PhP500.00
Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

πŸ–‹οΈ: Sherrelyn Chavez
Pubmat: Christo Geronga

PAGGAWA NG POSTER

Ipamalas ang makulay na likha nang makuha ang pagkamangha ng mga matang hanap ay sariling gawa.

Sanay ka bang kulayan ang mundo ng iba kahit ang iyo ay monochrome at pinili niya’y “siya?” Kung paligsahan lang naman, huwag kang pumayag na ganyan-ganyanin ka lalo na kung todo effort ka. Dahil kung “imagination” mo’y walang “limit”, dito ay may pagkakataon kang piliin kung konsepto mong ginuhit ay ‘di waley.

Ipakita ang iyong taglay na galing sa sining at pagka-kritikal. Para sa ibang detalye, mangyaring basahin ang nasa ibaba.

Tagapagdaloy: Jason Paul Glina at Anthony S. Gacis
Pagdarausan: Computer Center Building Room 3
Oras: Ika-9 ng umaga

PAMANTAYAN

a. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mga mag-aaral sa Sorsogon State University – Bulan Campus.

b. Ang mga kalahok ay dapat magdala ng sangkapat (1/4) na puting kartolina, at pangkulay (krayola o oil pastel) na kulay pula, dilaw, bughaw at itim. Ang mga kulay na ito ang tanging pahihintulutang gamitin sa paggawa ng poster.

c Ang poster ay dapat nakalapat sa tema ng pagdiriwang: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

d. Bibigyan ng isa at kalahating (1Β½) oras ang mga kalahok upang gumawa ng poster.

e. Ang mga poster ay huhusgahan gamit ang mga sumusunod na pamantayan:
Kaangkupan sa Tema (Relevance to the Theme) – 40%
Pagkamapanlikha at Pagkamalikhain (Originality and Creativity) – 40%
Kabuuang Presentasyon (Over-all Presentation) – 20%

f. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sertipiko at ng mga sumusunod na gantimpala:
Unang Gantimpala : PhP500.00
Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

πŸ–‹οΈ: Sheena Lovendino
Pubmat: Christo Geronga

PAGGAWA NG TULA

Malikot ba ang utak mo pagdating sa pagsusulat ng mga tula? Heto ang paligsahan para sa mga madlang makata, halina’t ipahayag ang ating diwa gamit ang pluma at matatalinghagang mga salita.

Para sa mga detalye, marapating basahin ang mga nasa ibaba.

Tagapagdaloy/Hurado: Montisso Navarro at Abegail Arimbay
Pagdarausan: Computer Center Building Room 5
Oras: Ika-9 ng umaga

PAMANTAYAN

𝐚. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Campus.

𝐛. Ang mga tagapagdaloy ay magbibigay ng burador at sulatang papel bago magsimula ang paligsahan. Magdadala lamang ng panulat ang mga kalahok.

𝐜. Hindi maaaring magsulat ng pangalan ang mga kalahok sa burador at sa sulatang papel. Tanging bilang lamang nila sa registration form ang magsisilbing pagkakakilanlan sa papel.

𝐝. Ang tula ay malaya ngunit hindi hihigit sa limang saknong na may apat hanggang anim na taludtod.

𝐟. Ang paksa ng tula ay nakalapat sa tema ng pagdiriwang: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

𝐠 .Bibigyan ng isang oras ang mga kalahok upang magsulat ng tula.

𝐑. Ang mga tula ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamantayan:
Nilalaman – 40%
Istilo – 30%
Pananalita – 20%
Orihinalidad – 10%

𝐒. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sertipiko at ng mga sumusunod na gantimpala:
Unang Gantimpala : PhP500.00
Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

πŸ–‹οΈ: Emmanuel Alexandre Maribbay
Pubmat: Christo Geronga

PAGGAWA NG ISLOGAN

Manghikayat gamit ang panulat, iguhit ang kahulugan ng mga salita, at pahintulutan na kulayan ito ng hurado at mambabasa.

Kung nagagawa mong bumanat sa iyong β€œcrush” kahit hindi ka man lang pinapansin, huwag mong itigil mo na iyan. Kung islogan ay napupusuan, pagkakataon ay huwag sayangin, makilahok sapagkat dito husay mo’y tiyak na mapapansin.

Para sa mga karagdagang impormasyon, marapating basahin ang pamantayan sa ibaba.

Tagapagdaloy/Hurado: Abbie Dale Goyal at Eddie Golpeo
Pagdarausan: Computer Center Building Room 6
Oras: Ika-9 ng umaga

PAMANTAYAN

𝐚 .Bukas ang paligsahan sa lahat ng mga mag-aaral ng SorSU-Bulan Kampus.

𝐛. Ang mga kalahok ay dapat magdala ng sangkapat (1/4) na puting kartolina, at pansulat (tulad ng marker) o pangkulay (krayola o oil pastel). Pinahihintulutan na gumamit ng anumang kulay ang mga kalahok.

𝐜. Hindi maaaring magsulat ng pangalan ang mga kalahok sa kartolina. Tanging bilang lamang nila sa registration form ang magsisilbing pagkakakilanlan sa papel.

𝐝. Ang islogan ay nakalapat sa tema ng pagdiriwang: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

𝐞.Bibigyan ng isa’t kalahating (1Β½ ) oras ang mga kalahok upang gumawa ng islogan.

𝐟. Ang mga islogan ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamantayan:
Kaugnayan sa Tema – 50%
Disenyo – 30%
Orihinalidad – 20%

𝐠. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na maaring pasubalian.

Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sertipiko at ng mga sumusunod na gantimpala:
Unang Gantimpala : PhP500.00
Ikalawang Gantimpala : PhP300.00
Ikatlong Gantimpala : PhP200.00

πŸ–‹οΈ: Claris Dizon
Pubmat: Christo Geronga