Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa apat na kampus ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon o Sorsogon State University (SorSU) noong Agosto 29, 2023 sa Magallanes at Bulan Kampus, Agosto 30, 2023 sa Castilla Campus, at nitong Agosto 31, 2023 sa Sorsogon City Kampus na may temang, FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: “𝘞𝘪𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘺𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯, 𝘚𝘦𝘨𝘶𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥, 𝘢𝘵 𝘐𝘯𝘨𝘬𝘭𝘶𝘴𝘪𝘣𝘰𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘵𝘢𝘳𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘭𝘪𝘱𝘶𝘯𝘢𝘯.”
Pinangunahan ang pagdiriwang sa Sorsogon City Kampus ng mga opisyal ng SorSU sa pamumuno ng pangulo ng pamantasan, Dr. Geraldine F. De Jesus (SUC President III), Dr. Jhonner D. Ricafort (Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pang-Akademiko), Dr. Telesforo D. Escoto (Tagapangasiwa ng Kampus), Dr. Felisa D. Marbella (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura), at iba pang mga opisyal, direktor, at kawani ng pamantasan.
Bilang pang-umagang gawain ng selebrasyon, isinagawa ang paligsahan ng Laro ng Lahi kagaya ng luksong lubid, sack race, hilahan ng lubid, at ubusan ng lahi, samantalang nagkaroon naman ng pormal na programa sa pagtatapos ng pagdiriwang. Kabilang sa panghapong gawain ang paggawad sa mga nagwagi (ubusan ng lahi, luksong lubid, sack race, hilahan ng lubid) at presentasyon ng iba’t ibang kultural na palabas tulad ng katutubong sayaw, Malong, Singkil, Cadena de Amor, Jota Sevillana, Kudut-kudutan, Jota Quirino, at Karatong Subli na itinanghal ng Dance Theater and Cultural Group; hip-hop ng TAC-Sakate; Kundiman na inawit ni G. Gilwin Militante (BSEd-Englih); spoken poetry ni G. Ian Bongares (BSEd-Filipino), at solong pag-awit na itinanghal ni Bb. Judie Ann Bajardo (BCAEd). Kabilang din sa palatuntunan ang pag-anunsiyo at paggawad ng alampay sa mga itinanghal bilang Si Maganda at Si Malakas, Lakan at Mutya ng Kasaysayan, Lakan at Mutya ng Panitikan, Lakan at Mutya ng Wika, at Lakan at Mutya ng Kultura.
Samantala, bilang pangwakas na pahayag sa kanyang mensahe, nag-iwan ng makabuluhang paalala para sa lahat ng SorSUeño si Pangulong De Jesus, “𝘼𝙮𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝘿𝙧. 𝙁𝙚𝙡𝙞𝙨𝙖 𝘿. 𝙈𝙖𝙧𝙗𝙚𝙡𝙡𝙖 — 𝘿𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩𝙖𝙤.” (SorSU PIO)