Pagsaludo sa Sentro ng Wika at Kultura na nakabase sa Sorsogon State University sa isang matagumpay na Tertulyang Pampanitikan na may temang, “Panitikan sa Social Media: Nagbubuklod sa Kulturang Nagkakaisa”, na ginanap kahapon, Abril 22, 2023 sa SorSU Hall.
Dinaluhan ito ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa dibisyon ng Lungsod Sorsogon at Probinsiya ng Sorsogon. Gayundin ang mga kolehiyong mag-aaral mula sa BU Gubat Campus, Annunciation College at SorSU Main Campus.
Naging tagapagsalita sa seminar na ito sina Bb. Roquessa D. Dechavez, guro ng Sorsogon National High School na kung saan tinalakay niya ang paksang, “Ang Mukha ng Panitikang Filipino sa Dehital na Panahon”, habang ang paksang, ” Panitikang Filipino sa Panahon ng Tiktok”, naman ang tinalakay ni Bb. Kathleen Kay D. Mapa, guro ng Balogo Elem. School.
Ang gawaing ito ay higit na naging matagumpay dahil sa buong pusong suporta ng pangulo ng SorSU-Kgg. Dr. Geraldine F. De Jesus, lalo’t higit ng komisyoner ng KWF- Kgg. Arthur P. Cassanova. (SWK)