Tertulyang Panitikan 2024, Matagumpay na Isinagawa

Tertulyang Panitikan 2024, Matagumpay na Isinagawa
Tema: “Panitikang Bikolnon: Daluyan sa Nagkakabuklod na Wika at Kulturang Sorsoguenos”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ang Buwan ng Panitikan, inilunsad ang taunang Tertulyang Pampanitikan sa pangunguna ng SENTRO ng WIKA at KULTURA (SWaK) na nakabase sa Sorsogon State University, ngayon ika-20 ng Abril, 2024 ganap na 8:00 n.u-5:00 n.h. Ang gawaing ito ay nakadisenyo para makatulong sa mga guro, mag-aaral, prinsipal at maging mga superbisor sa pag-aaral ng panitikan at makabuo ng mga akda para matugunan ang poblemang kinakaharp sa pagtamo ng pangangailangan at layunin ng edukasyon. Layunin din nitong ipakilala ang panitikan bilang daluyan na magbubuklod sa wika at kultura ng lalawigan ng Sorsogon.

Nilahukan ito ng 138 kalahok na binubuo ng mga guro mula sa iba’t ibang paaralan ng Departamento ng Edukasyon, Lungsod Sorsogon at Probinsya ng Sorsogon. Kasama ring lumahok ang mga guro at mag-aaral ng Solis Institute of Technology, Anunciation College of Bacon Sorsogon Unit, Inc at Veritas College Inc. Kasama rin sa nasabing gawain ang mga guro sa Filipino ng Sorsogon State University.

Nagbigay ng Bating pagtanggap at Mensahe ang Kgg. Geraldine F. De Jesus, Pangulo, SorSU. Pinatingkad din ang nasabing gawain mula sa mga mensaheng ipinaabot nina Kgg. Arthur P. Cassanova, Tagapangulo, KWF, Kgg. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner, KWF, Kgg. Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner KWF, Atty. Marites A. Barrios-Taran, Direktor Heneral sa pamamagitan ng birtwal na presentasyon.
Nagbigay ng oryentasyon ng palihan at pagpapakilala ng mga kalahok ang punong-abala na si Dr. Felisa D. Marbella, Direktor, SWaK SorSU. Ang paksang “Pananalinghagang Gubatnon: Renasimiyento ng Wika at Kulturang Sorsoganon” ay binigyang talakay ni Bb. Sara Em Buluran. Gubat National High Schppl, maligalig na nilahukan ang palitan ng ideya at kaalamang idyomatik mula sa iba’t ibang bayan. Bago nagsimula ang pagtalakay ng pangalawang panauhin, nagkaroon muna ng pampapasiglang bilang mula sa mga mag-aaral ng programang masteral at ng ilang mag-aaral. Sinundan ito ng paksaing “Relihiyosong Ritwal: Ambag sa Panitikang Sorsoganon” na binigyang talakay ni Bb. Nilda H. Deyto. Binigyang-diin ang kahalagahan ng panitikan sa kulturang Sorsoganon at implikasyon sa pamumuhay ng bawat mamamayan.

Ang ginawang seminar ay pagpapakita lamang ng pagdakila sa panitikang mayroon ang Panitikang Sorsoganon. Ang muling pagkilala sa ating kinabibilangang pangkat. Natapos ang gawaing ito na baun-baon ng mga nagsidalo ang mga katagang tinuran ni Teodoro Agoncillo:

“Ang panitikan ay hindi sarili ng iilang tao lamang; yao’y pag-aari ng sino mang may tapat na pagnanasang maghaon ng kanyang puso’t diwa’t kaluluwa alang-alang sa ikaluluwalhati ng sangkatauhang kinabibilangan niya.”