The Artificer, nasungkit ang ibat-ibang karangalan sa ika-21 na RTSPC

PERYODISTA NG BAYAN! TUMITINDIG AT LUMALABAN!

Nag-iinit ang naging pagtindig at pakikibaka ng The Artificer, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Sorsogon State University – Sorsogon City Campus, nang masungkit nila ang iba’t ibang karangalan sa pagtatapos ng 21st Regional Tertiary Schools Press Conference (RTSPC) ngayong araw, ika-19 ng Enero, kasalukuyang taon.

Ang mga kabataang mamamahayag na nagwagi sa nasabing kumperensya ay ang mga sumusunod:

Editorial Cartooning

  • Justin Golloso (English) – 1st place
  • John Edward Haz (Filipino) – 3rd place

Feature Writing

  • Reign Joy Merca (Filipino) – 2nd place

Comic Strip Drawing

  • John Edward Haz (Filipino) – 2nd place
  • Justin Golloso (English) – 6th place

Photojournalism

  • Eadrielle Deuna (Filipino) – 4th place
  • Karl Allan Ballesteros (English) – 8th place

Literary Graphics

  • Justin Golloso (Filipino) – 4th place
  • Karl Allan Ballesteros (English) – 10th place

Editorial Writing

  • Bryan Domanico (Filipino) – 5th place

Development Communication Writing

  • Reign Joy Merca (English) – 5th place

Opinion Writing:

  • Jerlyn Melitante (English) – 7th place
  • Bryan Domanico (Filipino) – 9th place

Lay-outing

  • Rosalie Olicia – 7th place

Poetry Writing

  • Eadrielle Deuna (English) – 8th place

Sports Writing

  • Rosalie Olicia (Filipino) – 7th place
  • Vincent Destacamento (English) – 8th place

Copyreading and Headline Writing

  • Lovely Escalora (Filipino) – 10th place
  • Vincent Destacamento (English) – 10th place

Ang 21st RTSPC ay ginanap sa La Piazza Hotel and Convention Center sa Legazpi, Albay mula Enero 17-19, 2024 na dinaluhan ng mahigit dalawampung pahayagang pangkampus sa buong Kabikulan.

Samantala, ang mga nakakuha ng nasa una hanggang sa ikalimang pwesto ay muling kakatawan sa Rehiyong Bicol para naman sa gaganaping Luzonwide Higher Education Press Conference (LHEPC) ngayong Marso.

Pagbati sa mga kabataang manunulat, mga litratista, at mga dibuhista ng SorSU. Tunay ngang ang pagsisilbi ay pakikibahagi lagi’t lagi para sa bayan at katotohanan!

Mga Salita: James R. Divina