Matagumpay na ipinagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: WIKA NG KAPAYAPAAN, SEGURIDAD, AT INKLUSIBONG PAGPAPATUPAD NG KATARUNGANG PANLIPUNAN” sa Sorsogon State University (SorSU) – Castilla Campus noong ika-30, ng Agosto 2023.
Sinimulan ang unang bahagi ng palatuntunan ng isang Parada sa Nayon sa pangunguna ng SorSU Marching Band, at nilahukan ng mga mag-aaral, mga guro ng SorSU Castilla Campus at mga opisyal ng pamantasan, kabilang dito ang kapita-pitagang Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, Dr. Felisa D. Marbella bilang panauhing tagapagsalita, gayundin ang kagalang-galang at aktibong Tagapangulo ng pamantasan na si Dr. Geraldine F. De Jesus.
Sa pagpatuloy ng programa, nagbigay ng bating pagtanggap ang Tagapamanihala ng Kampus na si G. Andrew F. Detera. Kasunod nito nagbigay din ng mensahe ang Tagapangulong De Jesus at kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng wika at kung ano ang gamit nito lalo na sa larangan ng pananaliksik. Nabanggit din sa pahayag ng panauhing tagapagsalita na si Dr. Marbella na dapat sariwain, balikan, at itaguyod ang ating Wikang Pambansa sapagkat ito ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan at kultura. Nagbigay din ng kulay sa programa ang magandang na ipinamalas ng SorSU Dance Troupe at pansamantalang isinara ang palatuntunan sa pagpili ng Lakan at Lakambini ng Wika. Si G. Erol Espinida, BSA AS 1D ang napiling Lakan ng Wika si Bb. Andreya Lastrilla, BSAB 1A ang natatanging lakambini.
Sa hapon ay ipinagpatuloy ang pangalawang bahagi ng programa ang paligsahan sa iba’t ibang larangan, gaya ng tagisan ng talino, paggawa ng slogan, pagsulat ng sanaysay, isahang awit, at mga palaro gaya ng agawan ng manok, sack race at iba pa sa pangunguna ng Culture and the Arts Organization at ng College Student Council.
Sa Tagisan ng Talino, ang nagwagi ay si Sophia D. Ansus (BAT 3B). Sa paggawa ng poster, nagwagi sina Al Gabriel Llona (BSA AE 3A), unang puwesto, Jan Kenneth D. Rosare (BSA AS 2A), pangalawang puwesto at si Ronald Lesano (BSA AE 2A), pangatlong puwesto. Sa paggawa ng slogan ang mga nagwagi ay sina Famela D. Fernando (BSA AE 1A), unang pwesto, Erol D. Mahinay (BSA AS 1A), pangalawang puwesto, at si Thea O. Dela Cruz (BSA AS 1B), ikatlong puwesto. Sa pagsulat ng sanaysay ang mga nagwagi ay sina Patrick B. Garcia (BSA AE 1A), unang pwesto, John Mark Hibay (BAT 4A), pangalawang pwesto, at Veronica Levantino (BSA AE 2B), ikatlong puwesto. Sa isahang awit nasungkit ni Aaron Ebio ang unang pwesto. (BSA AS 2A).
Naging matagumpay ang pampinid na palatuntunan sa tulong ng buong puwersa ng SorSU Castilla Campus sa pangunguna ni G. Andrew F. Detera at ng mga mag-aaral. Nagbigay din ng kulay sa palatuntunan ang bagong Fakulti ng SorSU Castilla na si Binibining Lovely Ann Homo bilang guro ng palatuntunan. (SorSU Castilla Campus)