Pagsaludo sa mga nag-organisa ng isinagawang dalawang araw na Seminar-Worksyap na may temang, “𝙏𝙚𝙠𝙣𝙞𝙠𝙖 𝙖𝙩 𝙀𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙚𝙝𝙞𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙨𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠”. Ito ay ginanap noong Hunyo 24-25, 2023 sa SorSU DORMTEL. Layunin nitong maturuan at mahasa ang mga guro lalo na ang mga hindi pa sapat ang kaalaman sa pagbuo ng pananaliksik.
Pangunahing kalahok dito ay ang mga mag-aaral sa MAEd at PhD –Filipino. Dinaluhan din ito ng mga guro mula sa dibisyon ng Lungsod Sorsogon at Probinsiya ng Sorsogon.
Naging tagapagsalita sa seminar na ito sina 𝐁𝐛. 𝐀𝐫𝐚𝐛𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐃. 𝐉𝐞𝐩𝐬𝐚𝐧𝐢 na may paksang, “Gamit at Halaga ng Pananaliksik sa Rebolusyon Pang-edukasyon 5.0”, 𝐆𝐧𝐠. 𝐃𝐢𝐚𝐧𝐚 𝐉𝐨𝐲 𝐏. 𝐓𝐚𝐭𝐚𝐝 – “Hakbang sa Pagpili at Limitasyon: Batayan sa Pagsulat ng Simulaing Pananaliksik”, 𝐆. 𝐄𝐫𝐢𝐜 𝐏. 𝐆𝐞𝐥𝐢𝐥𝐢𝐨 – “Lalim at Lapit: Ugnayang Literatura sa Etimolohiya ng Saliksik”, 𝐆. 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐲 𝐍. 𝐋𝐥𝐚𝐧𝐞𝐭𝐚 – “Pagsasalamisim sa Antangan at Iskema sa Pagbuo ng Pananaliksik”, 𝐆. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐄𝐦𝐢𝐥 𝐃. 𝐄𝐬𝐭𝐞𝐫𝐚 – “Gahum at Dalawit ng Datos ng Saliksik”, 𝐃𝐫. 𝐂𝐢𝐞𝐫𝐞𝐥 𝐃. 𝐄𝐝𝐦𝐚 – “Himay na Kaisipan at Katuparan ng Pinaghugutan”, 𝐆𝐧𝐠. 𝐒𝐚𝐫𝐚𝐡 𝐉𝐚𝐧𝐢𝐧𝐞 𝐃. 𝐏𝐨𝐥𝐨 – “Mga Paraan at Alituntunin sa Paggawa ng Apendiks, Talasanggunian at Pansariling Tala”.
Ang buong pusong suporta ng pangulo ng SorSU – Kgg. 𝐃𝐫. 𝐆𝐞𝐫𝐚𝐥𝐝𝐢𝐧𝐞 𝐅. 𝐃𝐞 𝐉𝐞𝐬𝐮𝐬 at ng dekana ng Paaralang Gradwado – 𝐃𝐫. 𝐒𝐮𝐬𝐚𝐧 𝐒. 𝐉𝐚𝐧𝐞𝐫 – ay malaking ambag para sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito.
Pinangasiwaan ang nasabing gawain ng Paaralang Gradwado ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon sa pakikipagtulungan ng Sentro ng Wika at Kultura. (SWaK)