Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na nakabase sa Sorsogon State University o Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon sa pangunguna ni Dr. Felisa D. Marbella, direktor ng SWK ay lumahok sa Pagpaplano ng mga SWK para sa 2023-2025 at Pangkalahatang Oryentasyon ngayong Marso 8-10, 2023, Citystate Asturias Hotel, Lungsod Puerto Prinsesa, Palawan. Dinaluhan ito ng 46 na direktor mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa iba/t ibang panig ng bansang Pilipinas.
Layunin nito na makapagplano ng mga prayoridad na proyekto para sa 2023-2025 alinsunod sa direksyong tinatahak ng KWF. Bukod dito, pagkakataon din na magkakakilala ang pamunuan ng KWF at mga direktor ng SWK sa iba’t ibang unibersidad/kolehiyo.
Hinirang bilang awditor ng Samahan ng mga Direktor ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa Pilipinas (SDSWKP) si Dr. Felisa D. Marbella. Layon at pokus ng samahang ito na maging matagumpay ang mga gawaing proyekto ng mga SWK at ng wika at kulturang Filipino. (SWK)