Ngayong araw, Agosto 30, 2024, nagtipon-tipon ang buong komunidad ng SorSU Castilla para sa isang makabuluhang selebrasyon ng Buwan ng Wika. Sa pangunguna ng ating Presidente ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon, Dr. Geraldine F. De Jesus, kasama ang mga opisyal, direktor, kawani, guro, at mga estudyante, sama-sama nating ipinagdiwang ang temang “Wikang Mapagpalaya”
Sa bawat ngiti at pakikipagkapwa, damang-dama ang ating pagkakaisa bilang isang komunidad na nagtutulungan sa pagyabong ng ating kultura at wika. Sama-sama nating itaguyod ang wikang Filipino—ang ating sandigan sa kalayaan at pagkakakilanlan! 🇵ðŸ‡âœ¨