Gaganapin ngayong Hulyo 26-28, 2024 sa CBSUA ang LIRIP 8: Pandaigdigang Kumperensiya sa Filipino sa pangunguna ng Lumina Foundation for Integral Human Development at sa pakikipagtulungan ng Network of Professional Researchers and Educators (NPRE), Sorsogon State University (SorSU), University of Southern Mindanao (USM), Bicol University (BU), Camarines Norte State College (CNSC), Catanduanes State University (CSU), Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).
Dadaluhan ito ng mga guro, manunulat, tagaplanong pangwika, at iskolar ng iba’t ibang larang upang magbahaginan ng mga pananaliksik at magtamo ng bagong kaalaman sa lalong ikakasulong ng Wikang Filipino.
Para sa mga katanungan ukol sa rehistrasyon, magpadala ng email kay Dr. Felisa Marbella ([email protected]), Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura – Sorsogon State University.
Tara!! Sali na!
Tara!! Sali na!