Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, matagumpay na idinaos sa apat na kampus ng SorSU

Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa apat na kampus ng Pampamahalaang Pamantasan ng Sorsogon o Sorsogon State University (SorSU) noong Agosto 29, 2023 sa Magallanes at Bulan Kampus, Agosto 30, 2023 sa Castilla Campus, at nitong Agosto 31, 2023 sa Sorsogon City Kampus na may temang, FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: โ€œ๐˜ž๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜š๐˜ฆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ.โ€

Pinangunahan ang pagdiriwang sa Sorsogon City Kampus ng mga opisyal ng SorSU sa pamumuno ng pangulo ng pamantasan, Dr. Geraldine F. De Jesus (SUC President III), Dr. Jhonner D. Ricafort (Pangalawang Pangulo para sa Gawaing Pang-Akademiko), Dr. Telesforo D. Escoto (Tagapangasiwa ng Kampus), Dr. Felisa D. Marbella (Direktor, Sentro ng Wika at Kultura), at iba pang mga opisyal, direktor, at kawani ng pamantasan.

Bilang pang-umagang gawain ng selebrasyon, isinagawa ang paligsahan ng Laro ng Lahi kagaya ng luksong lubid, sack race, hilahan ng lubid, at ubusan ng lahi, samantalang nagkaroon naman ng pormal na programa sa pagtatapos ng pagdiriwang. Kabilang sa panghapong gawain ang paggawad sa mga nagwagi (ubusan ng lahi, luksong lubid, sack race, hilahan ng lubid) at presentasyon ng ibaโ€™t ibang kultural na palabas tulad ng katutubong sayaw, Malong, Singkil, Cadena de Amor, Jota Sevillana, Kudut-kudutan, Jota Quirino, at Karatong Subli na itinanghal ng Dance Theater and Cultural Group; hip-hop ng TAC-Sakate; Kundiman na inawit ni G. Gilwin Militante (BSEd-Englih); spoken poetry ni G. Ian Bongares (BSEd-Filipino), at solong pag-awit na itinanghal ni Bb. Judie Ann Bajardo (BCAEd). Kabilang din sa palatuntunan ang pag-anunsiyo at paggawad ng alampay sa mga itinanghal bilang Si Maganda at Si Malakas, Lakan at Mutya ng Kasaysayan, Lakan at Mutya ng Panitikan, Lakan at Mutya ng Wika, at Lakan at Mutya ng Kultura.

Samantala, bilang pangwakas na pahayag sa kanyang mensahe, nag-iwan ng makabuluhang paalala para sa lahat ng SorSUeรฑo si Pangulong De Jesus, โ€œ๐˜ผ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐˜ฟ๐™ง. ๐™๐™š๐™ก๐™ž๐™จ๐™– ๐˜ฟ. ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– โ€” ๐˜ฟ๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™™๐™–๐™๐™ž๐™ก ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ค.โ€ (SorSU PIO)