Matagumpay na inilunsad ang pagbubukas ng ekstensiyon ng Sorsogon State University, Kolehiyo ng Edukasyon, Sentro ng Wika at Kultura, DepEd Probinsiya ng Sorsogon at Gubat National High School ang Surat-Panitikang Sorsoganon, kahapon, Agosto 23, 2025 araw ng Sabado.
Layunin ng isang taong (1) ekstensiyong ito na maipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto at kahalagahan ng pagsulat. Layunin din nitong mahikayat ang mga mag-aaral na magsulat ng sariling akdang pampanitikan. Kasama rin sa hangarin ng gawaing ito ang maitanghal ng mga mag-aaral na kabilang sa proyektong ito ang kanilang isinulat bilang pagsuporta sa Batas Republika Bilang 10066 o mas kilala bilang “National Cultural Heritage Act of 2009”, kung saan nilalayon nitong pangalagaan at itaguyod ang mga pamanang kultural ng Pilipinas. Ito rin ay bilang pagsuporta sa Sustainable Development Goals (SDG) bilang 11 at 4 na naglalayong higit na palakasin ang mga hakbangin sa pagprotekta at pangangalaga ng kultural at likas na pamana ng mundo.


Pinangunahan ang nasabing gawain ni Dr. Alfonso L. Garcia, Jr., Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon. Dr. Ana Cristina G. Fortes, Direktor ng Ekstensiyon ng SorSU, Bb. Ave E. Mendizabal, Punongguro ng Gubat National High School, Dr. Felisa D. Marbella, Direktor, SorSU- Sentro ng Wika at Kultura at Dr. Richelda P. Jolo, proponent ng nasabing ekstensiyon.


Nilahukan din ang nasabing gawain ng mga kasamahaang gurong ekstensiyonist mula sa SorSU, mga guro mula sa DepEd na magsisilbing mga tagapagsalita sa mga lektura, mag-aaral ng Paaralang Gradwado ng SorSU, mga kawaksing gurong ekstensiyonist mula sa Gubat National High School, at mga mag-aaral ng nabanggit na paaralan na siyang sentro ng gawaing ito.


Pahayag nga ni Dr. Chelda ang proponent ng nasabing gawain
“Patuloy na pagningasin ang pagmamahal at pagpapahalaga sariling kultura’t panitikan, ipagpatuloy ang adhikain ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para lang magkaroon tayo ng layang magpahayag ng nararamdaman at magpatuloy sa daang nais bagtasin para sa ikauunlad ng sarili’t bayan.”

Kredito sa larawan: Mga SorSU esktensiyonist